Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 22:15-18
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 15 Sa ikalawang pagkakataon, si Abraham ay tinawag ng anghel ni Jehova mula sa langit, 16 at sinabi nito: “‘Ipinanunumpa ko ang sarili ko,’ ang sabi ni Jehova,+ ‘na dahil ginawa mo ito at hindi mo ipinagkait ang iyong kaisa-isang anak,+ 17 tiyak na pagpapalain kita at tiyak na pararamihin ko ang supling* mo gaya ng mga bituin sa langit at gaya ng mga butil ng buhangin sa baybayin ng dagat,+ at kukunin ng iyong supling* ang mga lunsod* ng mga kaaway niya.+ 18 At sa pamamagitan ng iyong supling,*+ ang lahat ng bansa sa lupa ay makakakuha ng pagpapala para sa sarili nila dahil pinakinggan mo ang tinig ko.’”+

  • Awit 105:8, 9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  8 Naaalaala niya ang kaniyang tipan magpakailanman,+

      Ang ipinangako* niya, hanggang sa sanlibong henerasyon,+

       9 Ang tipan niya kay Abraham,+

      At ang panata niya kay Isaac,+

  • Mikas 7:20
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 20 Magpapakita ka ng katapatan kay Jacob,

      Ng tapat na pag-ibig kay Abraham,

      Gaya ng ipinangako mo sa mga ninuno namin noong unang panahon.+

  • Hebreo 6:13, 14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 13 Dahil nang mangako ang Diyos kay Abraham, wala siyang maipanumpang mas dakila, kaya ipinanumpa niya ang sarili niya+ 14 at sinabi: “Tiyak na pagpapalain kita at tiyak na pararamihin ko ang supling mo.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share