-
Levitico 12:4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
4 Patuloy niyang lilinisin ang sarili niya mula sa dugo sa sumunod na 33 araw. Hindi siya dapat humawak ng anumang banal na bagay, at hindi siya dapat pumasok sa banal na lugar hanggang sa matapos ang mga araw ng paglilinis niya sa sarili.
-
-
Levitico 12:6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
6 Kapag tapos na ang mga araw ng paglilinis niya sa sarili dahil sa anak na lalaki o babae, magdadala siya sa pasukan ng tolda ng pagpupulong, sa saserdote, ng isang batang lalaking tupa na hindi lalampas ng isang taóng gulang bilang handog na sinusunog+ at isang inakáy ng kalapati o isang batubato bilang handog para sa kasalanan.
-