-
Mateo 26:26-28Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
26 Habang kumakain sila, kumuha si Jesus ng tinapay. Pagkatapos manalangin, pinagpira-piraso niya ito,+ ibinigay sa mga alagad, at sinabi: “Kunin ninyo at kainin. Sumasagisag ito sa aking katawan.”+ 27 Matapos kumuha ng isang kopa, nagpasalamat siya sa Diyos at ibinigay niya sa kanila ang kopa at sinabi: “Uminom kayo mula rito, lahat kayo,+ 28 dahil sumasagisag ito sa aking ‘dugo+ para sa tipan,’+ na ibubuhos para mapatawad ang mga kasalanan ng marami.+
-
-
Marcos 14:22-24Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
22 At habang kumakain sila, kumuha siya ng tinapay, nanalangin, pinagpira-piraso ito, ibinigay sa kanila, at sinabi: “Kunin ninyo ito; sumasagisag ito sa aking katawan.”+ 23 Matapos kumuha ng isang kopa, nagpasalamat siya sa Diyos, ibinigay niya sa kanila ang kopa, at uminom silang lahat mula rito.+ 24 At sinabi niya sa kanila: “Sumasagisag ito sa aking ‘dugo+ para sa tipan,’+ na ibubuhos alang-alang sa marami.+
-
-
Hebreo 9:13, 14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
13 Dahil kung ang dugo ng mga kambing at mga toro+ at ang abo ng dumalagang baka* na iwinisik sa mga nadungisan ay nakapagpapabanal para sa ikalilinis ng laman,+ 14 gaano pa ngang higit na ang dugo ng Kristo,+ na sa pamamagitan ng walang-hanggang espiritu ay naghandog ng sarili niya nang walang dungis sa Diyos, ay makapaglilinis ng ating mga konsensiya mula sa walang-saysay* na mga gawa+ para makapaghandog tayo ng sagradong paglilingkod sa Diyos na buháy?+
-
-
1 Pedro 1:18, 19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
18 Dahil alam ninyo na pinalaya* kayo+ mula sa walang-saysay na pamumuhay na natutuhan ninyo sa mga ninuno ninyo,* hindi sa pamamagitan ng mga bagay na nasisira, ng pilak o ginto, 19 kundi sa pamamagitan ng mahalagang dugo,+ gaya ng sa isang walang-dungis at walang-batik na kordero,*+ ang kay Kristo.+
-