-
Juan 21:15-17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
15 Pagkatapos nilang mag-almusal, sinabi ni Jesus kay Simon Pedro: “Simon na anak ni Juan, mas mahal mo ba ako kaysa sa mga ito?” Sumagot siya: “Oo, Panginoon, alam mong mahal kita.” Sinabi ni Jesus: “Pakainin mo ang aking mga kordero.”*+ 16 Sa ikalawang pagkakataon, sinabi niya: “Simon na anak ni Juan, mahal mo ba ako?” Sumagot siya: “Oo, Panginoon, alam mong mahal kita.” Sinabi ni Jesus: “Pastulan mo ang aking maliliit na tupa.”+ 17 Sa ikatlong pagkakataon, sinabi niya: “Simon na anak ni Juan, mahal mo ba ako?” Lungkot na lungkot si Pedro dahil ikatlong beses nang itinanong ni Jesus sa kaniya: “Mahal mo ba ako?” Kaya sumagot siya: “Panginoon, alam mo ang lahat ng bagay; alam mong mahal kita.” Sinabi ni Jesus: “Pakainin mo ang aking maliliit na tupa.+
-