-
Mateo 26:47-50Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
47 Habang nagsasalita pa siya, dumating si Hudas, na isa sa 12 apostol, kasama ang maraming taong may mga espada at pamalo. Isinugo sila ng mga punong saserdote at matatandang lalaki ng bayan.+
48 Ang magtatraidor sa kaniya ay nagbigay na sa kanila ng isang palatandaan. Sinabi niya: “Kung sino ang hahalikan ko, siya iyon; dakpin ninyo siya.” 49 Lumapit siya agad kay Jesus at nagsabi: “Magandang gabi, Rabbi!” at magiliw itong hinalikan. 50 Pero sinabi ni Jesus: “Bakit ka nandito?”+ Pagkatapos, lumapit ang mga tao at sinunggaban si Jesus at inaresto siya.
-
-
Marcos 14:43-46Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
43 Agad-agad, habang nagsasalita pa siya, dumating si Hudas, na isa sa 12 apostol, kasama ang maraming taong may mga espada at pamalo. Isinugo sila ng mga punong saserdote at mga eskriba at matatandang lalaki.+ 44 Ang magtatraidor sa kaniya ay nagbigay na sa kanila ng isang palatandaan. Sinabi niya: “Kung sino ang hahalikan ko, siya iyon; dakpin ninyo siya at bantayang mabuti.” 45 Lumapit siya agad kay Jesus at nagsabi, “Rabbi!” at magiliw itong hinalikan. 46 Kaya sinunggaban nila ito at inaresto.
-