Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isaias 9:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  2 Ang bayan na lumalakad sa kadiliman

      Ay nakakita ng matinding liwanag.

      Sumikat ang liwanag

      Sa mga nakatira sa lupain ng matinding dilim.+

  • Mateo 4:16
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 16 Ang bayang nasa kadiliman ay nakakita ng matinding liwanag, at ang mga nasa lupaing natatakpan ng anino ng kamatayan ay sinikatan ng liwanag.”+

  • Juan 1:4-9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 4 Sa pamamagitan niya ay nagkaroon ng buhay, at ang buhay niya ang liwanag para sa mga tao.+ 5 At ang liwanag ay sumisikat sa kadiliman,+ at hindi ito natatalo ng kadiliman.

      6 May isang tao na isinugo bilang kinatawan ng Diyos; ang pangalan niya ay Juan.+ 7 Ang taong ito ay dumating bilang isang saksi para magpatotoo tungkol sa liwanag,+ nang sa gayon, ang lahat ng uri ng tao ay manampalataya dahil sa mga sinabi niya. 8 Hindi siya ang liwanag na iyon,+ pero dumating siya para magpatotoo tungkol sa liwanag.+

      9 Ang tunay na liwanag na nagbibigay ng liwanag sa bawat uri ng tao ay paparating na sa sangkatauhan.+

  • Juan 8:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 8 12 Pagkatapos, muling kinausap ni Jesus ang mga tao at sinabi: “Ako ang liwanag ng sangkatauhan.*+ Ang sinumang sumusunod sa akin ay hindi na lalakad sa kadiliman, kundi magkakaroon ng liwanag+ ng buhay.”

  • Juan 9:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 5 Hangga’t ako ay nasa mundo,* ako ang liwanag ng sangkatauhan.”*+

  • Juan 12:46
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 46 Dumating ako sa mundo* bilang liwanag+ para hindi manatili sa kadiliman ang bawat isa na nananampalataya sa akin.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share