-
Gawa 28:25-28Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
25 At dahil hindi sila magkasundo, umalis sila, at sinabi ni Pablo:
“Tama ang sinabi ng banal na espiritu sa inyong mga ninuno sa pamamagitan ni Isaias na propeta, 26 ‘Pumunta ka sa bayang ito, at sabihin mo: “Maririnig ninyo iyon pero hindi ninyo mauunawaan, at titingin kayo pero wala kayong makikita.+ 27 Dahil ang puso ng bayang ito ay naging manhid,* at nakaririnig ang mga tainga nila pero hindi sila tumutugon, at ipinikit nila ang kanilang mga mata, para hindi makakita ang mga mata nila at hindi makarinig ang mga tainga nila at hindi makaunawa ang mga puso nila kaya hindi sila nanunumbalik at hindi ko sila napagagaling.”’+ 28 Kaya dapat nga ninyong malaman na ang pagliligtas na ito ng Diyos ay ipinahayag na sa ibang mga bansa;+ tiyak na pakikinggan nila ito.”+
-