-
Lucas 10:38-42Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
38 Nagpatuloy sila sa paglalakbay at pumasok sa isang nayon. At isang babae na nagngangalang Marta+ ang tumanggap kay Jesus sa bahay niya. 39 May kapatid itong babae, si Maria, na nakaupo sa paanan ng Panginoon at patuloy na nakikinig sa itinuturo* niya. 40 Samantala, abalang-abala si Marta sa dami ng inaasikaso niya. Kaya lumapit siya kay Jesus, at sinabi niya: “Panginoon, hahayaan mo na lang ba na hindi ako tinutulungan ng kapatid ko sa paghahanda? Sabihin mo naman sa kaniya na tulungan ako.” 41 Sumagot ang Panginoon: “Marta, Marta, masyado kang nag-aalala sa maraming bagay. 42 Iilang bagay lang ang kailangan o kahit isa lang.+ Pinili ni Maria ang mabuting bahagi+ at hindi ito kukunin sa kaniya.”
-