11 Ganiyan ang ilan sa inyo noon.+ Pero hinugasan na kayo at naging malinis;+ pinabanal na kayo;+ ipinahayag na kayong matuwid+ sa ngalan ng ating Panginoong Jesu-Kristo at sa espiritu ng ating Diyos.+
25 Mga asawang lalaki, patuloy na mahalin ang inyong asawang babae+ kung paanong inibig ng Kristo ang kongregasyon at ibinigay ang sarili niya para dito,+26 para mapabanal niya ito at malinis sa pamamagitan ng tubig, ang salita ng Diyos,+
5 (hindi dahil sa anumang matuwid na nagawa natin,+ kundi dahil sa kaniyang awa).+ Iniligtas niya tayo sa pamamagitan ng paglilinis sa atin, kung kaya nagkaroon tayo ng bagong buhay,+ at sa pamamagitan ng banal na espiritu na ginamit niya para gawin tayong bago.+
22 lumapit tayo nang may tapat na puso at buong pananampalataya, dahil nalinis* na ang puso natin mula sa isang masamang konsensiya+ at napaliguan na ng malinis na tubig ang katawan natin.+