Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 9:3, 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3 Nagbulong-bulungan ang ilan sa mga eskriba: “Namumusong* ang taong ito.”+ 4 Alam ni Jesus kung ano ang iniisip nila, kaya sinabi niya: “Bakit napakasama ng iniisip ninyo?+

  • Marcos 2:6-8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 6 Naroon ang ilang eskriba, nakaupo at nag-iisip:+ 7 “Bakit ganiyan magsalita ang taong iyan? Namumusong siya.*+ Hindi ba ang Diyos lang ang makapagpapatawad ng mga kasalanan?”+ 8 Pero alam na ni Jesus kung ano ang iniisip nila, kaya sinabi niya sa kanila: “Bakit kayo nag-iisip ng ganiyan?+

  • Juan 1:47, 48
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 47 Nakita ni Jesus si Natanael na papalapit sa kaniya, at sinabi niya tungkol dito: “Tingnan ninyo, isang tunay na Israelita na walang anumang pagkukunwari.”+ 48 Sinabi ni Natanael sa kaniya: “Paano mo ako nakilala?” Sumagot si Jesus: “Bago ka tinawag ni Felipe, nakita na kita habang nasa ilalim ka ng puno ng igos.”

  • Juan 6:64
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 64 Pero may ilan sa inyo na hindi nananampalataya.” Nasabi ito ni Jesus dahil mula pa sa pasimula ay alam na niya kung sino ang mga hindi nananampalataya at kung sino ang magtatraidor sa kaniya.+

  • Apocalipsis 2:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 23 At papatayin ko ang mga anak niya sa pamamagitan ng nakamamatay na salot, para malaman ng lahat ng kongregasyon na ako ang sumusuri sa kaloob-looban ng isip* at sa puso, at ibibigay ko sa bawat isa sa inyo ang ayon sa mga ginagawa ninyo.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share