44 Magkakasama ang lahat ng naging mananampalataya, at ibinabahagi nila sa isa’t isa ang anumang taglay nila, 45 ibinebenta ang mga pag-aari nila,+ at ipinamamahagi sa lahat ang napagbentahan, ayon sa pangangailangan ng bawat isa.+
17 Pero kung ang sinuman ay may materyal na mga bagay sa sanlibutang ito at nakikita niyang nangangailangan ang kapatid niya pero hindi siya nagpapakita ng habag dito, paano niya masasabing iniibig niya ang Diyos?+