Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Exodo 7:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3 Pero hahayaan kong magmatigas ang puso ng Paraon,+ at pararamihin ko ang aking mga tanda at himala sa lupain ng Ehipto.+

  • Exodo 8:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 5 Nang maglaon, sinabi ni Jehova kay Moises: “Sabihin mo kay Aaron, ‘Iunat mo ang kamay mong may hawak na tungkod sa ibabaw ng mga ilog, mga kanal ng Nilo, at mga latian, at paahunin mo ang mga palaka sa lupain ng Ehipto.’”

  • Exodo 9:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 10 Kaya kumuha sila ng abo sa pugon at tumayo sa harap ng Paraon, at isinaboy iyon ni Moises sa hangin, at iyon ay naging nagnanaknak na mga pigsa sa mga tao at hayop.

  • Awit 105:27-36
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 27 Ipinakita nila sa mga ito ang kaniyang mga tanda,

      Sa lupain ni Ham ang mga himala niya.+

      28 Nagsugo siya ng kadiliman at nagdilim sa lupain;+

      Hindi sila naghimagsik laban sa mga salita niya.

      29 Ginawa niyang dugo ang tubig nila*

      At pinatay ang kanilang mga isda.+

      30 Napuno ng palaka ang lupain nila,+

      Kahit ang mga silid sa palasyo.

      31 Inutusan niyang sumalakay ang nangangagat na mga langaw

      At ang mga niknik* sa lahat ng teritoryo nila.+

      32 Ginawa niyang yelo* ang kanilang ulan,

      At nagpadala siya ng kidlat* sa lupain nila.+

      33 Pininsala niya ang kanilang mga puno ng ubas at igos

      At sinira ang mga puno sa teritoryo nila.

      34 Inutusan niyang sumalakay ang mga balang,

      Mga batang balang na hindi mabilang.+

      35 Nilamon ng mga iyon ang lahat ng pananim sa lupain,

      Nilamon ng mga iyon ang mga bunga ng lupa.

      36 At pinatay niya ang lahat ng panganay sa lupain nila,+

      Ang pasimula ng kanilang kakayahang magkaanak.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share