-
Juan 4:39-42Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
39 Marami sa mga Samaritano sa lunsod na iyon ang nanampalataya sa kaniya dahil sa patotoong ito ng babae: “Nasabi niya sa akin ang lahat ng ginawa ko.”+ 40 Kaya nang pumunta sa kaniya ang mga Samaritano, hiniling nila sa kaniya na huwag muna siyang umalis, at nanatili siya roon nang dalawang araw. 41 Dahil dito, marami pa ang naniwala sa mga sinabi niya, 42 at sinabi nila sa babae: “Naniniwala kami ngayon, hindi lang dahil sa mga sinabi mo, kundi dahil kami na mismo ang nakarinig sa kaniya, at sigurado kami na ang taong ito ang tagapagligtas ng sangkatauhan.”+
-