30 Habang nakaupo* siya sa mesa kasama nila, kumuha siya ng tinapay, nanalangin, pinagpira-piraso ito, at ibinigay sa kanila.+31 Nang pagkakataong iyon, nabuksan ang mga mata nila at nakilala nila siya; pero bigla siyang nawala.+
41 Pero habang hindi pa sila makapaniwala dahil sa sobrang saya at pagkamangha, sinabi niya: “Mayroon ba kayong pagkain?”+42 Kaya binigyan nila siya ng inihaw na isda, 43 at kinuha niya ito at kinain sa harap nila.
13 Kinuha ni Jesus ang tinapay at ibinigay iyon sa kanila, pati ang isda. 14 Ito ang ikatlong pagkakataon+ na nagpakita si Jesus sa mga alagad matapos siyang buhaying muli.*