-
Lucas 23:13-15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
13 Pagkatapos, ipinatawag ni Pilato ang mga punong saserdote, mga tagapamahala, at iba pa, 14 at sinabi: “Dinala ninyo sa akin ang taong ito at sinasabi ninyong sinusulsulan niya ang mga tao na maghimagsik. Pero sinuri ko siya sa harap ninyo at wala akong makitang dahilan para hatulan ang taong ito ayon sa mga paratang ninyo sa kaniya.+ 15 Sa katunayan, wala ring nakitang kasalanan si Herodes sa kaniya, dahil ibinalik niya siya sa atin, at wala siyang anumang ginawa na karapat-dapat sa kamatayan.
-