9 Sinabi pa ng Diyos kay Abraham: “Kung tungkol sa iyo, tuparin mo ang aking tipan, ikaw at ang magiging mga supling* mo hanggang sa susunod pang mga henerasyon. 10 Ito ang tipan ko sa inyo, na dapat mong tuparin at ng magiging mga supling* mo: Ang bawat lalaki sa inyo ay dapat magpatuli.+
43 Sinabi ni Jehova kina Moises at Aaron, “Ito ang batas sa Paskuwa: Hindi puwedeng kainin ng mga dayuhan ang hain para dito.+44 Pero kung ang isang tao ay may biniling isang aliping lalaki, dapat niya itong tuliin.+ Saka lang ito makakakain ng hain.
48 Kung may dayuhan na naninirahang kasama ninyo at gusto niyang magdiwang ng Paskuwa para kay Jehova, dapat tuliin ang lahat ng lalaki sa sambahayan niya. Saka lang siya makapagdiriwang nito, at siya ay magiging katulad ng katutubo sa lupain. Pero hindi ito puwedeng kainin ng lalaking di-tuli.+
2 “Sabihin mo sa mga Israelita, ‘Kung magdalang-tao ang isang babae at magsilang ng isang lalaki, magiging marumi siya nang pitong araw, gaya ng kalagayan niya kapag nireregla siya.+3 Sa ikawalong araw, tutuliin ang sanggol.+