Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Genesis 9:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 4 Pero huwag ninyong kakainin ang laman kasama ang buhay* nito—ang dugo+ nito.+

  • Levitico 3:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 17 “‘Ito ay isang batas hanggang sa panahong walang takda para sa inyong mga henerasyon, sa lahat ng lugar na titirhan ninyo: Huwag na huwag kayong kakain ng anumang taba o ng anumang dugo.’”+

  • Levitico 7:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 26 “‘Huwag kayong kakain ng anumang dugo+ sa alinmang lugar na tinitirhan ninyo, iyon man ay dugo ng ibon o ng iba pang hayop.

  • Levitico 17:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 10 “‘Kung ang sinuman sa sambahayan ng Israel o sinumang dayuhan na naninirahang kasama ninyo ay kumain ng anumang uri ng dugo,+ tiyak na itatakwil ko ang* taong* kumain ng dugo, at papatayin ko siya.

  • Levitico 17:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 13 “‘Kung may isang Israelita o dayuhan na naninirahang kasama ninyo na nangaso at nakahuli ng isang mailap na hayop o isang ibon na puwedeng kainin, dapat niyang patuluin ang dugo nito+ at tabunan ng lupa.

  • Levitico 19:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 26 “‘Huwag kayong kakain ng anumang may dugo.+

      “‘Huwag kayong maghahanap ng mga tanda o magsasagawa ng mahika.+

  • Deuteronomio 12:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 23 Basta maging determinado kayong huwag kainin ang dugo,+ dahil ang dugo ay ang buhay,*+ at huwag ninyong kakainin ang buhay* kasama ng laman.

  • Deuteronomio 15:23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 23 Pero huwag mong kakainin ang dugo nito;+ ibuhos mo iyon sa lupa gaya ng tubig.+

  • 1 Samuel 14:32, 33
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 32 Kaya nag-unahan ang bayan sa samsam, at kinuha nila ang mga tupa, baka, at mga guya* at kinatay ang mga iyon sa lupa, at kinain nila ang karne na kasama ang dugo.+ 33 At iniulat nila iyon kay Saul: “Ang bayan ay nagkakasala laban kay Jehova dahil kumain sila ng karne na kasama ang dugo.”+ Kaya sinabi niya: “Hindi kayo naging tapat. Magpagulong kayo agad dito ng isang malaking bato.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share