-
Gawa 26:22, 23Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
22 Pero dahil sa tulong ng Diyos, patuloy akong nakapagpapatotoo hanggang sa araw na ito sa nakabababa at nakatataas, na walang ibang sinasabi kundi ang mga ipinahayag ng mga propeta at ni Moises na mangyayari+— 23 na magdurusa ang Kristo+ at dahil siya ang unang bubuhaying muli mula sa* mga patay,+ ihahayag niya sa bayang ito at sa ibang mga bansa ang tungkol sa liwanag.”+
-
-
Gawa 28:23Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
23 Kaya nagsaayos sila ng isang araw para makita siya, at mas marami sila ngayon na nagpunta sa tinutuluyan niya. Mula umaga hanggang gabi, nangaral siya sa kanila sa pamamagitan ng lubusang pagpapatotoo tungkol sa Kaharian ng Diyos at hinikayat niya silang maniwala kay Jesus+ gamit ang Kautusan ni Moises+ at ang mga Propeta.+
-