-
2 Corinto 11:8-10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
8 Tinustusan ng ibang mga kongregasyon ang mga pangangailangan ko para makapaglingkod ako sa inyo, kaya parang napagnakawan ko sila.+ 9 Pero noong nariyan akong kasama ninyo at nangailangan ako, hindi ako naging pabigat sa sinuman, dahil saganang inilaan ng mga kapatid sa Macedonia ang mga pangangailangan ko.+ Oo, sa bawat paraan, sinikap kong hindi maging pabigat sa inyo at patuloy kong gagawin iyon.+ 10 Hangga’t ako ay isang tagasunod ni Kristo, patuloy ko itong ipagmamalaki+ sa buong Acaya.
-