-
Hebreo 4:12, 13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
12 Dahil ang salita ng Diyos ay buháy at malakas+ at mas matalas kaysa sa anumang espada na magkabila ang talim,+ at sa talas nito ay kaya nitong paghiwalayin ang panlabas at panloob na pagkatao, at ang mga kasukasuan at mga utak sa buto, at kaya nitong unawain ang mga kaisipan at intensiyon ng puso. 13 At walang nilalang na nakatago sa paningin niya,+ kundi ang lahat ng bagay ay nakalantad at kitang-kita ng isa na hahatol sa atin sa mga ginagawa natin.+
-