-
Roma 16:25, 26Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
25 Purihin nawa Siya na makapagpapatatag sa inyo kaayon ng mabuting balita na ipinahahayag ko at ng* pangangaral tungkol kay Jesu-Kristo, na kaayon ng isiniwalat tungkol sa sagradong lihim+ na itinago sa mahabang panahon 26 pero inihayag* na ngayon at ipinaalám na sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng mga hula sa Kasulatan, na kaayon ng utos ng walang-hanggang Diyos na ang kalooban ay manampalataya sila at maging masunurin;
-
-
Efeso 3:8, 9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
8 Ibinigay sa akin ang walang-kapantay na kabaitang ito,+ sa akin na mas mababa kaysa sa pinakamababa sa lahat ng banal,+ para maihayag ko sa mga bansa ang mabuting balita tungkol sa di-masukat na kayamanan ng Kristo 9 at para maipakita sa lahat* kung paano pinangangasiwaan* ang sagradong lihim+ na napakatagal na itinago ng Diyos, na lumalang sa lahat ng bagay.
-
-
Colosas 1:26-28Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
26 ang sagradong lihim+ na hindi ipinaalám sa nakalipas na mga sistema+ at henerasyon. Pero isiniwalat ito ngayon sa mga banal;+ 27 gusto ng Diyos na ipaalám sa mga banal mula sa ibang mga bansa ang maluwalhating kayamanang ito, ang sagradong lihim+—na si Kristo ay kaisa ninyo, na nangangahulugang may pag-asa kayong makabahagi sa kaluwalhatian niya.+ 28 Siya ang inihahayag natin sa lahat ng tao, at pinaaalalahanan at tinuturuan natin sila taglay ang malawak na karunungan para maiharap natin ang bawat tao bilang maygulang na kaisa ni Kristo.+
-