-
2 Timoteo 1:9, 10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
9 Iniligtas niya tayo at tinawag para maging banal,+ hindi dahil sa mga ginawa natin,+ kundi dahil sa kalooban niya at walang-kapantay na kabaitan.+ Napakatagal na panahon na ang nakalilipas mula nang ibigay niya ito sa atin dahil kay Kristo Jesus,+ 10 pero ngayon ay malinaw na itong nakikita dahil sa pagkakahayag sa ating Tagapagligtas, si Kristo Jesus,+ na nag-alis ng kamatayan+ at nagsiwalat kung paano magkakaroon ng buhay+ at katawang di-nasisira+ sa pamamagitan ng mabuting balita,+
-