-
Roma 1:16, 17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
16 Hindi ko ikinahihiya ang mabuting balita;+ sa katunayan, ito ang makapangyarihang paraan ng Diyos para iligtas ang bawat isa na may pananampalataya,+ sa Judio muna+ at pagkatapos ay sa Griego.+ 17 Dahil sa pamamagitan nito, ang katuwiran ng Diyos ay naisisiwalat sa mga may pananampalataya at lalo pang napapatibay ang kanilang pananampalataya,+ gaya ng nasusulat: “Pero ang matuwid ay mabubuhay dahil sa kaniyang pananampalataya.”+
-
-
Roma 3:20-22Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
20 Kaya walang sinuman ang maipahahayag na matuwid sa harap niya sa pamamagitan ng pagsunod sa kautusan,+ dahil malinaw na ipinapakita sa atin ng kautusan na makasalanan tayo.+
21 Pero naging malinaw na ngayon na puwede tayong maging matuwid sa harap ng Diyos nang hindi tumutupad sa Kautusan,+ gaya ng sinasabi sa Kautusan at mga Propeta.+ 22 Oo, lahat ng may pananampalataya ay puwedeng maging matuwid sa harap ng Diyos dahil sa pananampalataya kay Jesu-Kristo.+ Dahil pantay-pantay ang lahat ng tao.+
-