29 Pero nang araw na lumabas si Lot sa Sodoma, umulan ng apoy at asupre* mula sa langit at pinuksa silang lahat.+30 Gayon din ang mangyayari sa araw na iyon kapag ang Anak ng tao ay isiniwalat.+
7 para ang inyong nasubok na pananampalataya,+ na mas malaki ang halaga kaysa sa ginto na nasisira kahit nasubok* na ito sa apoy, ay magdulot ng kapurihan at kaluwalhatian at karangalan kapag isiniwalat na si Jesu-Kristo.+
13 Kaya ihanda ninyong mabuti* ang isip ninyo para sa gawain;+ lubusang panatilihin ang inyong katinuan;+ umasa kayo sa walang-kapantay* na kabaitan na ipapakita sa inyo kapag isiniwalat na si Jesu-Kristo.
13 Sa halip, patuloy kayong magsaya+ dahil nararanasan din ninyo ang mga pagdurusang naranasan ng Kristo,+ para sa panahon ng pagsisiwalat ng kaluwalhatian niya ay makapagsaya rin kayo at mag-umapaw sa kagalakan.+