-
Hebreo 10:19-22Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
19 Kaya naman, mga kapatid, dahil nakakapasok tayo sa banal na lugar+ nang walang takot* sa pamamagitan ng dugo ni Jesus, 20 at ang daan patungo rito ay binuksan* niya para sa atin bilang isang bagong daan na umaakay sa buhay, sa pamamagitan ng pagpasok sa kurtina,+ ang kaniyang laman, 21 at dahil mayroon tayong isang dakilang saserdote sa bahay ng Diyos,+ 22 lumapit tayo nang may tapat na puso at buong pananampalataya, dahil nalinis* na ang puso natin mula sa isang masamang konsensiya+ at napaliguan na ng malinis na tubig ang katawan natin.+
-