-
Genesis 14:17, 18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
17 Nang makabalik si Abram matapos niyang talunin si Kedorlaomer at ang mga kasama nitong hari, sinalubong siya ng hari ng Sodoma sa Lambak* ng Save, na tinatawag ding Lambak ng Hari.+ 18 At si Melquisedec+ na hari ng Salem+ ay naglabas ng tinapay at alak; siya ay saserdote ng Kataas-taasang Diyos.+
-