-
Levitico 9:7-9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
7 Pagkatapos, sinabi ni Moises kay Aaron: “Lumapit ka sa altar, at ialay mo ang iyong handog para sa kasalanan+ at handog na sinusunog, at magbayad-sala ka para sa iyong sarili+ at sa iyong sambahayan; at ialay mo ang handog ng bayan,+ at magbayad-sala ka para sa kanila,+ gaya ng iniutos ni Jehova.”
8 Lumapit agad si Aaron sa altar at pinatay ang guya bilang handog para sa kasalanan niya.+ 9 Pagkatapos, dinala sa kaniya ng mga anak niya ang dugo,+ at isinawsaw ni Aaron ang daliri niya sa dugo at ipinahid iyon sa mga sungay ng altar, at ibinuhos niya ang natitirang dugo sa paanan ng altar.+
-