-
Exodo 12:21-23Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
21 Kaagad na tinawag ni Moises ang lahat ng matatandang lalaki ng Israel+ at sinabi: “Pumili kayo ng batang mga hayop* para sa pamilya ng bawat isa sa inyo, at patayin ninyo ang hain para sa Paskuwa. 22 Pagkatapos, isawsaw ninyo sa dugo na nasa palanggana ang isang bungkos ng isopo at ihampas ninyo iyon sa itaas na bahagi ng pasukan at sa dalawang poste nito; at walang sinuman sa inyo ang lalabas ng bahay niya hanggang kinaumagahan. 23 Kapag dumaan si Jehova para salutin ang mga Ehipsiyo at nakita niya ang dugo sa itaas na bahagi ng pasukan at sa dalawang poste nito, tiyak na lalampasan ni Jehova ang pasukang iyon, at hindi niya papahintulutang pumasok sa mga bahay ninyo ang salot ng kamatayan.*+
-