Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Bilang 14:22, 23
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 22 Pero sa mga nakakita ng kaluwalhatian ko at ng mga tanda+ na isinagawa ko sa Ehipto at sa ilang at patuloy pa ring nanubok sa akin+ nang 10 ulit at hindi nakinig sa tinig ko,+ walang isa man sa kanila 23 ang makakakita sa lupaing ipinangako ko sa kanilang mga ama. Lahat ng nakikitungo sa akin nang walang galang ay talagang hindi makakakita nito.+

  • Awit 95:7-11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    •  7 Dahil siya ang ating Diyos,

      At tayo ang bayan na pinapastulan niya,

      Ang mga tupang inaalagaan niya.*+

      Ngayon, kung nakikinig kayo sa tinig niya,+

       8 Huwag ninyong patigasin ang puso ninyo gaya ng nangyari sa Meriba,*+

      Gaya ng nangyari sa Masah* sa ilang,+

       9 Nang subukin ako ng mga ninuno ninyo;+

      Hinamon nila ako, kahit nakita nila ang mga ginawa ko.+

      10 Nasuklam ako sa henerasyong iyon nang 40 taon, at sinabi ko:

      “Sila ay isang bayang laging lumilihis ang puso;

      Hindi nila natutuhan ang mga daan ko.”

      11 Kaya sa galit ko ay sumumpa ako:

      “Hindi sila papasok sa kapahingahan ko.”+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share