-
Bilang 14:22, 23Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
22 Pero sa mga nakakita ng kaluwalhatian ko at ng mga tanda+ na isinagawa ko sa Ehipto at sa ilang at patuloy pa ring nanubok sa akin+ nang 10 ulit at hindi nakinig sa tinig ko,+ walang isa man sa kanila 23 ang makakakita sa lupaing ipinangako ko sa kanilang mga ama. Lahat ng nakikitungo sa akin nang walang galang ay talagang hindi makakakita nito.+
-
-
Bilang 14:28-30Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
28 Sabihin mo sa kanila, ‘“Isinusumpa ko, kung paanong buháy ako,” ang sabi ni Jehova, “gagawin ko sa inyo kung ano ang narinig kong sinabi ninyo!+ 29 Mamamatay kayo sa ilang,*+ oo, kayong lahat na inirehistro mula 20 taóng gulang pataas, kayong lahat na nagbulong-bulungan laban sa akin.+ 30 Kahit isa sa inyo ay hindi makakapasok sa lupaing ipinangako ko* na titirhan ninyo,+ maliban kay Caleb na anak ni Jepune at kay Josue na anak ni Nun.+
-