2 Sinalubong siya ni Jehu+ na anak ni Hanani+ na nakakakita ng pangitain. Sinabi nito kay Haring Jehosapat: “Ang masama ba ang dapat mong tulungan,+ at ang mga napopoot ba kay Jehova ang dapat mong mahalin?+ Dahil sa ginawa mo, nagalit sa iyo si Jehova.
19 Kung bahagi kayo ng sanlibutan, matutuwa sa inyo ang sanlibutan. Pero hindi kayo bahagi ng sanlibutan,+ kundi pinili ko kayo mula rito, kaya napopoot sa inyo ang sanlibutan.+
14 Ipinaalám ko sa kanila ang iyong salita, pero napoot sa kanila ang sanlibutan+ dahil hindi sila bahagi ng sanlibutan,+ kung paanong ako ay hindi bahagi ng sanlibutan.
36 Sumagot si Jesus:+ “Ang Kaharian ko ay hindi bahagi ng sanlibutang ito.+ Kung ang Kaharian ko ay bahagi ng sanlibutang ito, lumaban sana ang mga tagasunod* ko para hindi ako madakip ng mga Judio.+ Pero ang totoo, hindi nagmumula rito ang Kaharian ko.”