4 Hahatulan niya nang patas ang mga dukha,
At sasaway siya nang makatarungan alang-alang sa maaamo sa lupa.
Hahampasin niya ang lupa sa pamamagitan ng tungkod na galing sa bibig niya,+
At papatayin niya ang masasama sa hininga ng mga labi niya.+
5 Katuwiran ang magiging sinturon sa baywang niya,
At katapatan ang sinturon sa balakang niya.+