Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mateo 19:28
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 28 Sinabi ni Jesus sa kanila: “Sinasabi ko sa inyo, sa panahong gagawin nang bago ang lahat ng bagay, kapag ang Anak ng tao ay umupo sa kaniyang maluwalhating trono, kayo na sumunod sa akin ay uupo rin sa 12 trono para humatol sa 12 tribo ng Israel.+

  • Apocalipsis 20:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 4 At nakakita ako ng mga trono, at ang mga nakaupo sa mga iyon ay binigyan ng awtoridad na humatol. Oo, nakita ko ang dugo ng mga pinatay* dahil sa pagpapatotoo nila tungkol kay Jesus at pagsasalita tungkol sa Diyos, ang mga hindi sumamba sa mabangis na hayop o sa estatuwa nito at hindi tumanggap ng marka sa noo at kamay nila.+ At nabuhay sila at nagharing kasama ng Kristo+ sa loob ng 1,000 taon.

  • Apocalipsis 20:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 6 Maligaya at banal ang sinumang kasama sa unang pagkabuhay-muli;+ walang awtoridad sa kanila ang ikalawang kamatayan,+ kundi sila ay magiging mga saserdote+ ng Diyos at ng Kristo, at maghahari silang kasama niya sa loob ng 1,000 taon.+

  • Apocalipsis 22:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 5 Gayundin, ang gabi ay mawawala na,+ at hindi nila kakailanganin ang liwanag ng lampara o ng araw, dahil ang Diyos na Jehova* ang magbibigay ng liwanag sa kanila,+ at maghahari sila magpakailanman.+

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share