-
Apocalipsis 14:9, 10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
9 Sumunod sa kanila ang ikatlong anghel, na nagsasabi sa malakas na tinig: “Kung ang sinuman ay sasamba sa mabangis na hayop+ at sa estatuwa nito at tatanggap ng marka sa noo niya o sa kamay niya,+ 10 iinom din siya ng alak ng galit ng Diyos na ibinubuhos nang walang halo sa kopa ng poot Niya,+ at pahihirapan siya sa apoy at asupre+ sa paningin ng mga banal na anghel at sa paningin ng Kordero.
-
-
Apocalipsis 19:20Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
20 At sinunggaban ang mabangis na hayop, at kasama nito ang huwad na propeta+ na gumawa sa harap nito ng mga tanda para iligaw ang mga tumanggap ng marka ng mabangis na hayop+ at ang mga sumasamba sa estatuwa nito.+ Habang buháy pa, pareho silang inihagis sa maapoy na lawa na nagniningas sa asupre.+
-