Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Roma 2:6, 7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 6 At ibibigay niya sa bawat isa ang ayon sa kaniyang mga gawa:+ 7 buhay na walang hanggan para doon sa mga naghahanap ng kaluwalhatian, karangalan, at katawang hindi nasisira+ sa pamamagitan ng pagsisikap na gumawa* ng mabuti;

  • 2 Timoteo 4:7, 8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 7 Naipaglaban ko na ang marangal na pakikipaglaban,+ natapos ko na ang takbuhan,+ nanatili akong matatag sa pananampalataya. 8 Mula ngayon, may nakalaan nang korona ng katuwiran para sa akin,+ na ibibigay ng Panginoon, ang matuwid na hukom,+ bilang gantimpala ko sa araw na iyon,+ pero hindi lang sa akin, kundi sa lahat ng nananabik sa kaniyang pagkakahayag.

  • Santiago 1:12
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 12 Maligaya ang taong patuloy na nagtitiis ng pagsubok,+ dahil kapag kinalugdan siya, tatanggapin niya ang korona ng buhay,+ na ipinangako ni Jehova* sa mga patuloy na umiibig sa Kaniya.+

  • Apocalipsis 20:4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 4 At nakakita ako ng mga trono, at ang mga nakaupo sa mga iyon ay binigyan ng awtoridad na humatol. Oo, nakita ko ang dugo ng mga pinatay* dahil sa pagpapatotoo nila tungkol kay Jesus at pagsasalita tungkol sa Diyos, ang mga hindi sumamba sa mabangis na hayop o sa estatuwa nito at hindi tumanggap ng marka sa noo at kamay nila.+ At nabuhay sila at nagharing kasama ng Kristo+ sa loob ng 1,000 taon.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share