Mga Awit Awit ng Pag-akyat. 134 Purihin ninyo si Jehova,Kayong lahat na mga lingkod ni Jehova,+Kayong mga nakatayo sa bahay ni Jehova kung gabi.+ 2 Itaas ninyo ang mga kamay ninyo+ taglay ang kabanalan*At purihin ninyo si Jehova. 3 Mula sa Sion ay pagpalain ka nawa ni Jehova,Ang Maylikha ng langit at lupa.