Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • bi12 p. 5
  • Paunang Salita

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paunang Salita
  • Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
Paunang Salita

Paunang Salita

ISANG napakalaking pananagutan na isalin sa modernong wika ang Banal na Kasulatan mula sa orihinal na mga wika nito na Hebreo, Aramaiko at Griego. Ang pagsasalin ng Banal na Kasulatan ay nangangahulugan ng paghaharap sa ibang wika ng mga kaisipan at pananalita ng Diyos na Jehova, ang makalangit na May-akda ng sagradong aklatang ito ng animnapu’t anim na aklat na may-pagkasing isinulat ng sinaunang mga banal na lalaki para sa ating kapakinabangan sa ngayon.

Ito ay napakaselang bagay. Ang mga tagapagsalin ng gawang ito, na may takot at pag-ibig sa Banal na May-akda ng Banal na Kasulatan, ay nakadarama ng pantanging pananagutan sa Kaniya na itawid ang kaniyang mga kaisipan at kapahayagan sa pinakatumpak na paraan hangga’t maaari. Nakadarama rin sila ng pananagutan sa mga nagsusuring mambabasa na umaasa sa isang salin ng kinasihang Salita ng Kataas-taasang Diyos ukol sa kanilang walang-hanggang kaligtasan.

Taglay ang gayong taimtim na pananagutan kung kaya sa loob ng maraming taon ay inilathala ng komiteng ito na binubuo ng mga nakatalagang lalaki ang New World Translation of the Holy Scriptures. Ang buong salin ay unang inilabas sa anim na tomo, mula 1950 hanggang 1960. Sa pasimula pa lamang ay hangad na ng mga tagapagsalin na pagsamahin sa iisang aklat ang lahat ng mga tomong ito, yamang ang Banal na Kasulatan sa katunayan ay iisang aklat ng Iisang May-akda. Bagaman ang naunang mga tomo ay may mga panggilid na reperensiya at mga talababa, ang nirebisang edisyon na iisang tomo, na inilabas noong 1961, ay walang mga talababa ni mga panggilid na reperensiya. Ang ikalawang rebisyon ay inilabas noong 1970 at ang ikatlong rebisyon na may mga talababa ay sumunod noong 1971. Noong 1969 ay inilabas ng komite ang The Kingdom Interlinear Translation of the Greek Scriptures, kung saan sa ilalim ng tekstong Griego na inilathala noong 1881 nina Westcott at Hort ay iniharap ang salita-por-salitang salin sa Ingles.

Ang bagong edisyong ito ay hindi lamang isang pagdalisay ng tekstong naisalin na lakip ang naunang mga rebisyon nito, kundi pinalawak din ito upang ilakip ang isang kumpletong napapanahon at nirebisang panggilid (kaugnay) na mga reperensiya na unang lumabas sa Ingles, mula 1950 hanggang 1960.

Ang rebisyong ito ng 1984 ay ibinigay namin sa Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania upang mailimbag, maisalin sa iba pang pangunahing wika at maipamahagi. Kaya inihahandog namin ito taglay ang matinding pasasalamat sa Banal na May-akda ng Banal na Kasulatan, na siyang nagkaloob sa amin ng pribilehiyo at na sa kaniyang espiritu ay nagtiwala kami upang mailabas ang rebisyong ito. Dalangin namin na pagpalain niya ang mga gumagamit ng saling ito ukol sa espirituwal na pagsulong.

New World Bible Translation Committee

Hunyo 1, 1984, New York, N.Y.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share