Griegong Salin ni Symmachus na May Hebreong Tetragrammaton
Makikita rito ang isang bahagi ng piraso ng pergamino ng Griegong salin ni Symmachus, na mula noong ikatlo o ikaapat na siglo C.E. Mababasa rito ang Aw 69:30, 31 (Aw 68:31, 32, Septuagint). Ginawa ni Symmachus ang saling ito noong ikalawang siglo C.E. Ang pirasong ito ay tinatawag na P. Vindobonensis Greek 39777 at nasa Austrian National Library ngayon sa Vienna. Makikita sa larawan ang dalawang paglitaw ng pangalan ng Diyos na nakasulat sa sinaunang letrang Hebreo ( o ) na nakapaloob sa tekstong Griego. Ang sinabi ni Maria sa Luc 1:46 ay posibleng mula sa Aw 69:30, 31, kung saan mababasa ang pangalan ng Diyos sa orihinal na tekstong Hebreo. Ang paggamit ni Maria ng ekspresyong iyon sa Hebreong Kasulatan at ang saling Griego ni Symmachus na naglalaman ng Tetragrammaton ay ilan sa mga basehan para gamitin ang pangalan ng Diyos sa Luc 1:46.—Tingnan ang study note sa Luc 1:46 at Apendise C.
Credit Line:
ÖNB Wien: G 39.777
Kaugnay na (mga) Teksto: