“Lalo Kaming Pinaglapit Nito”
Ganiyan ang isinulat ng isang asawang babae tungkol sa aklat na Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa. “Marami na akong nabasa,” aniya, “pero wala pang gaya nito. Pagkaalis ng asawa ko pagkaalmusal namin, nagbabasa na ako nang may isang oras ng aking aklat. Napakaganda! Pag-uwi ng asawa ko para mananghalian, ikukuwento ko sa kaniya ang mga bagong bagay na nabasa ko. Lalo kaming pinaglapit nito!”
Kayo man marahil ay totoong pagagalakin ng mensaheng dala ng aklat na ito at nais ninyong ihatid sa iba ang mga nabasa ninyo. Tinatalakay ng aklat ang halos lahat ng kontrobersiyal na turo ng Bibliya, tinipon ang patotoo sa paraang maikli ngunit malaman at nauunawaan kaya ang sagot ay nagliliwanag sa mambabasa. Ang 256 pahina ng aklat, kasinlaki ng sa magasing ito, ay may mahigit na 150 mga larawan na nagtuturo, ang karamihan ay may pagkagagandang kulay. Pumidido na kayo ngayon. Ito’y ₱30 lamang.
Pakisuyong padalhan ako, libre-bayad sa koreo ng, Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa. Ako’y naglakip ng ₱30. (Para sa halaga sa ibang bansa, pakisuyong alamin sa lokal na tanggapan ng Watch Tower Society.)