Naghahanap Ka Ba ng Kabiyak?
Anong mga katangian sa isang kabiyak ang lubhang tutulong sa isang maligayang pag-aasawa? Isang dalaga na nag-iisip tungkol dito ang sumulat ng isang liham ng pasasalamat:
“Talagang wala akong mapuntahan upang mapagkunan ng impormasyon tungkol sa pagpili ng isang kabiyak o kung anong mga tanong ang dapat itanong ko sa sarili kapag nagbabalak mag-asawa. Patuloy akong nanalangin kay Jehova na tulungan ako sa pagpili ng aking kabiyak . . . Halos hindi ako makapaniwala nang ilabas ang aklat na Pinaliligaya ang Inyong Buhay Pampamilya. Ito na nga ang sagot sa aking mga panalangin. At batid ko na tutulungan ako nito na maging isang mabuting asawang babae, isa na maipagmamalaki ng aking asawa. Pinasasalamatan ko kayo sa paglalathala ng aklat na ito. Labis ko po itong pinahahalagahan.”
Kung nais ninyo ng tulong sa pagpili ng isang kabiyak, o sa paggawa ng inyong pag-aasawa na higit na maligaya, makikinabang kayo mula sa aklat na ito. Tumanggap ng isang kopya nito sa pamamagitan ng pagsagot at paghuhulog sa koreo ng kupon.
Pakisuyong padalhan ako, libre-bayad sa koreo, ng pinabalatang 192-pahinang aklat na Pinaliligaya ang Inyong Buhay Pampamilya. Ako’y naglakip ng ₱12.