Isang Bibliya Para sa Seryosong mga Estudyante ng Bibliya
Sumusulat sa The Classical Journal, inirekomenda ni Thomas N. Winter ng University of Nebraska ang The Kingdom Interlinear Translation of the Greek Scriptures sa mga estudyante. “Hindi ito isang karaniwang interlinear,” aniya. “Naingatan ang kadalisayan ng teksto, at ang Ingles na nasa ibaba ay pinakasaligang kahulugan ng salitang Griego. Kaya ang bahaging interlinear ng aklat na ito ay hindi isang salin. Lalong angkop na sabihing isang teksto ito na may dagliang talasalitaan. Isang salin sa mahusay na Ingles ang nasa gawing kanan ng pahina. . . .
“Matapos suriin ang isang kopya,” patuloy ni Winter, “aking binigyan nito ang ilang interesadong segunda-anyong mga estudyante sa Griego bilang isang katulong na aklat-aralin. Walang ibinigay na mga asainment: ang mga estudyante, na ibig matuto ng Griego at may likas na interes sa orihinal na Bagong Tipan, ay nagsikap sa ganang sarili. Kanilang binasa ang Griego (inirekomenda kong basahin nila iyon nang malakas), sa paano man ay nasubaybayan nila ang Ingles, at napasulong ang kanilang kaalaman sa Griego. . . .
“Ang teksto ay salig sa teksto ni Brooke F. Westcott at Fenton J. A. Hort (1881, repr.), ngunit ang salin ng walang pangalang komite ay talagang kaalinsabay ng panahon at wastong lagi. Halimbawa, pagka sa King James at sa Revised Standard, ‘mga pantas’ ang pagkasalin sa Griegong magoi (halimbawa, sa Mat. 2:1, 2:7, 2:16), ang salin ng Kingdom Interlinear ay ‘mga astrologo,’ na lalong tama at impormatibong salin. Napakaingat ang pagkatipon at pagkalimbag ng aklat.
“Sa kabuuan, pagka dumalaw ang isang Saksi, makabubuting siya’y tanggapin ng classicist, na estudyante sa Griego, o ng Bibliya at pumidido. O puede kang pumididong tuwiran sa Brooklyn.”
Puede kang tumanggap ngayon ng mahusay na salita-por-salitang salin ng Bibliyang Griego sa halagang ₱49 lamang kung susulatan mo at ihuhulog sa koreo ang kalakip na kupon.
Pakisuyong padalhan ako, libre-bayad sa koreo, ng 1,184-pahina, pinabalatang Bibliya na The Kingdom Interlinear Translation of the Greek Scriptures. Ako’y naglakip ng ₱49.