“Isang Kahanga-hangang Kasama”—Aid to Bible Understanding
Maaari bang maging gayon ang isang aklat? Gayon ang palagay ng isang abogado na nasa piitan sa Curaçao, Netherlands Antilles. Sinulatan niya ang lalaking nagbigay sa kaniya ng tomo ng Aid to Bible Understanding:
“Mula nang matanggap ko ang aklat na Aid mula sa iyo nasumpungan ko na mas madaling batahin ang aking pagtira sa bilangguan. Iyan ay dahilan sa nasumpungan ko ang aklat na ito na isang kahanga-hangang kasama na tumulong sa akin na matiis ko ang kalungkutan ng lugar na ito. Ang aklat na Aid ay isang walang-katapusang pinagmumulan ng makasaysayan at maka-Kasulatang impormasyon na talagang nakatulong sa akin na maunawaan ang mga salita at mga sipi mula sa Banal na Kasulatan. . . .
“Sa araw-araw higit at higit kong ipinagkakapuri na magkaroon ng gayong kahanga-hangang aklat subalit lalo na noong nakaraang linggo. Salamat sa aklat na Aid nagawa kong mamagitan sa isang diskusyon na naganap sa pagitan ng ilang mga guwardiya at mga bilanggo tungkol sa ilang mga sipi sa Bibliya at ang kanilang interpretasyon. Sapagkat ang diskusyon ay napakainit, at wari bang ito’y hindi magwawakas na mapayapa, tumakbo ako mula sa bakuran tungo sa aking selda at kinuha ang aklat na Aid at hinanap ko ang mga salita at mga sipi na pinagtatalunan at nasumpugan ko ang eksaktong kahulugan nito, kaya napahinto ang pagtatalo.
“Bueno, ang aklat na Aid ay karapat-dapat sa papuri dahilan sa lalim ng pagtalakay nito ng mga salita, mga pagkilos, at mga taong binabanggit sa Bibliya. Mula nang ilabas ko ang aklat na ito, wala nang pagtatalo pa sa pagitan ng mga guwardiya at ng mga bilanggo sapagkat tinanggap at nasiyahan silang lahat sa mahusay na paliwanag ng encyclopedia na ito. . . .
“Isinusulat ko ang liham na ito sapagkat nais kong malaman mo na pinahahalagahan ko ang aklat na Aid bilang isang bagay na napakahalaga, at ginagamit ko ito hindi lamang para sa aking sariling kapakinabangan kundi gayundin sa kapakinabangan ng iba na interesado sa pag-alam ng Katotohanan na nilalaman ng Banal na Kasulatan.”
Natitiyak namin na ikaw man ay makasusumpong sa 1,700-pahinang tomong ito na isang kahanga-hangang kasama. Makakakuha ka ng iyong kopya sa pamamagitan ng pagsagot at paghuhulog sa koreo ng kalakip na kupon.
Pakisuyong padalhan ako, libre-bayad sa koreo, ng Aid to Bible Understanding, dahil dito ako’y naglakip ng ₱98. (Sa labas ng Pilipinas, sumulat sa sangay ng Watch Tower doon para sa higit pang impormasyon.)