Pahina Dos
Nang litisin sa harap ng Romanong gobernador na si Poncio Pilato, si Jesu-Kristo ay nagsabi: “Ang aking kaharian ay hindi bahagi ng sanlibutang ito.”—Juan 18:36.
Taglay ba ng mga klerigo ang punto-de-vistang ito sa ngayon? Posible ba sa ating panahon na ang isa ay nasa sanlibutan gayunma’y hindi bahagi nito? Ano ang bahagi ng relihiyon sa modernong politika?