Pahina Dos
May malaking pagkakaiba sa nakukuhang mga paglilingkod sa kalusugan sa buong daigdig.
Sa ibang mga lugar ang mga ito ay napakalawak at lubhang siyentipiko.
Sa iba pang dako ng daigdig, ang mga ito ay hindi halos makatugon sa pangunahing mga pangangailangan, o ang mga ito ay hindi umiiral.
Gayunman, kahit na kung ang mga paglilingkod sa kalusugan ay lubhang maunlad, huli pa rin ito sa paghadlang gayundin sa paggamot sa mga karamdaman.
Mailalaan kaya sa lahat ang pangunahing mga paglilingkod sa kalusugan sa malapit na hinaharap? Anong pag-asa mayroon para sa isang ganap na paggaling at lubusang paghadlang sa lahat ng sakit?
[Picture Credit Line sa pahina 2]
Washington, D.C., General Hospital
WHO/UNICEF photo