Pahina Dos
Angaw-angaw na mga magulang sa buong daigdig ay namatayan ng isang anak. Sakit, gutom, digmaan, sadyang pagpatay, pagpapatiwakal, aksidente, crib death, kunan, patay nang isilang—anuman ang dahilan, ang isang magulang ay laging nagdadalamhati.
Anuman ang edad ng bata, ang kirot ay laging naroroon. Paano maaaring mabata ang dalamhati? Paano maaaring magpatuloy ang buhay? Ang paglalarawan ba namin sa pahinang ito ng isang pamilya na sinasalubong ang kanilang anak mula sa mga patay ay isa lamang pantasya o ito ba’y malapit nang maging isang katotohanan?
Ang sumusunod na tunay na mga istorya ng mga taong nakayanan ang matinding dalamhati na dala ng kamatayan ng isang anak ay sasagot sa ilan sa mga katanungang ito. Para sa kinalabasan ng bawat kaso, pakisuyong basahin ang mga artikulong ito tungkol sa pagdadalamhati. Batid namin na ikaw ay magkakamit ng kaaliwan at pag-asa sa mga ito.