Pahina Dos
Noong 1985 ang Estados Unidos ay nag-angkat ng mga produkto mula sa Hapón na nagkakahalaga ng $40 bilyon na mahigit kaysa mga produktong iniluwas nito sa Hapón. Sa kabila ng internasyonal na mga pagsisikap na gawing timbang ang kálakalán sa pagitan ng mga bansa, noong 1986 ang depisit o kalugihan sa pangangalakal ng E.U. sa Hapón ay naging $58 bilyon!
Bakit nagkakaroon ng lumalaking hindi pagkakatimbang sa pangangalakal? Paano ka apektado nito? Bakit maaaring maging mapanganib ang mga resulta? Ano ang namamalaging lunas sa problema? Isasaalang-alang ng sumusunod na mga artikulo ng “Gumising!” ang gayong mga katanungan.