Ang Nakasisiyang Muradong Layang-layang ng Brazil
HABANG nagwawakas ang tag-araw sa sentral Brazil, ang mga mamamayan ng mga lunsod na gaya ng Barretos, Bauru, at Rio Claro ay nasisiyan sa pagmamasid sa mga ibon. Ang kanilang mga damdamin ay tumutugon sa mga tanawin at huni ng libu-libong nandarayuhang muradong mga layang-layang na humahapon sa mga punungkahoy sa kanilang mga plasa. Araw-araw sa paglubog ng araw, ang mga ibong ito ay lumilipad patungo sa mga plasa mula sa mga bukid, langkay-langkay na nagtitipon, ipinakikipagsapalaran ang kanilang mga dapuan sa gabi. Sa paggawa ng gayon, sila’y nagpapaulan sa tuwang-tuwang mga nagmamasid-ng-ibon ng pagkaliliit na mga balahibo. Bagaman isang tagtuyot kamakailan ang nagpangyari sa mga layang-layang na baguhin ang kanilang pag-uugali sa paghapon, tinatayang mga 50,000 sa kanila ang nasa isang plasa lamang sa Bauru. Ginagawang posible ng mga istasyon ng telebisyon na makita ang pambihirang tanawing ito sa buong Brazil.