Pahina Dos
Tinataya na mula noong 1970 hanggang noong 1980 ang bilang ng mga taong nagugutom sa daigdig ay dumami ng halos 1.5 milyon sa isang taon. Subalit ang bilang ng nagugutom noong unang kalagitnaan ng 1980’s ay tumalon sa halos 8 milyon sa isang taon, na umabot ng 512 milyon noong 1985—sa kabila ng pangako ng United Nations World Food Council noong 1974 na aalisin nito ang gutom sa daigdig sa loob ng sampung taon.
Ngayon, ang teolohiya sa pagpapalaya ang ipinahihiwatig na siyang lunas—hinahayaang masangkot ang mga simbahan sa labanan upang baguhin ang pambansang mga kayarian sa pulitika at lipunan upang alisin ang mga sanhi ng karalitaan.
Maikling tinalakay ng aming labas noong Agosto 8, 1987, ang epekto ng teolohiya sa pagpapalaya sa karalitaan sa Third World. Sa labas na ito, sinusuri pang higit ng kabalitaan ng Gumising! sa Mexico ang katanungan kung baga ang teolohiya sa pagpapalaya ay tunay nga bang makatutulong sa mahihirap.