Pahina Dos
Tuwing umaga mula Lunes hanggang Biyernes, angaw-angaw na mga nilampinang mga sanggol at naghihikab na mga batang humahakbang-hakbang na ang iniiwan sa mga day care center. Para sa maraming bata, ang paglilipat mula sa bahay tungo sa day care ay maayos na nagagawa.
Doon sa mga nasanay na sa rutina ay tumutugon nang magiliw—o walang kapaki-pakiramdam. Ang mas bagong mga bata ay maaaring umiyak at mangunyapit sa kani-kanilang mga ina. Ang ilang tumitiyak na mga salita mula kay Inay, gayunman, ay karaniwan nang nagpapahinto sa mga luha. Kung hindi, isang manggagawa sa day-care ang aaliw sapagkat, may luha o walang luha, ang mga babae ay kailangang magtungo sa trabaho. At sa susunod na sampung oras, ang day-care center ay dapat na humalili kay Inay . . .