Pakikibagay sa Damdamin
Ang matagumpay na paggawa niyaon ay isang tunay na hamon. Isang kabataang babae ang naglalahad ng kaniyang karanasan: “Ako’y maligaya naman, subalit walang anu-ano ako ay mahuhulog sa matinding kalumbayan. Kung minsan ay hindi ko pa nga malaman kung ano ang nadarama ko. Para bang ako’y nangangapa sa dilim at litung-lito. Hindi ko man lamang maipahayag ang aking sarili at ang aking mga damdamin kahit na sino ang kausap ko. Para bang hindi ako binibigyang-pansin ng mga taong nakapalibot sa akin, lalo na ang aking mga kaiskuwela, sapagkat hindi naman ako maganda. Sa wakas ang lahat ng mga damdaming ito ay labis-labis na nagpapahirap sa akin, at kinapootan ko ang aking sarili at ang aking pagkatao.”
Ang babae ay nagkaroon ng isang kopya ng aklat na Ang Iyong Kabataan—Pagkakamit ng Pinakamainam Dito. “Ito ay pawang kawili-wili,” sulat niya, “kaya’t nais kong basahin ang susunod na kabanata, ‘Ang Pagdadalaga.’ Hindi ko mapaniwalaan ang aking nababasa. Tamang-tamang inilarawan ng kabanata kung ano ang nadarama ko, at ibinigay ang kasagutan. Totoong nakapagpapatibay-loob na mabasa na normal lamang na makadama ng ganito. Dapat ko lamang malaman ang tamang paraan ng pakikibagay rito.”
Bukod pa sa pagtulong sa mga kabataan na pakibagayan ang kanilang mga damdamin, tinatalakay ng aklat na ito ang mga bagay na gaya ng masturbasyon at sinasagot ang mga tanong na gaya ng, Dapat bang uminom ang mga kabataan ng mga inuming nakalalasing? at, Dapat ba silang magtalik bago mag-asawa? Tanggapin ang isang kopya sa halagang ₱14 lamang sa pamamagitan ng pagsagot at paghuhulog ng kupon sa koreo.
Pakisuyong padalhan ako, libre-bayad sa koreo, ng pinabalatan, 192-pahinang aklat na Ang Iyong Kabataan—Pagkakamit ng Pinakamainam Dito. Ako’y naglakip ng ₱14.